Street Fighter : Ano nga ba ang naging parte nito sa buhay ko?

Anic Fooo!!!! Ayan ang madalas na sabihin namin mag kakaibigan nuon nung magsimulang mauso ang mga arcade fighting game dito sa pinas nung 90’s. Pero san nga ba namin nakuhang laro ang salitang “Anic foo!”?

Nakuha namin ang salita na yun sa boses ng isang character ng Street Fighter, Si Guile, isang machong kano na may kakaibang buhok na itsurang nakatayong buhok ng mais. Kapag ginagamit na nia ang kanyang move na Sonic Boom ayun ang naririnig namin, porket mga bata pa eh ayun ang pag kakarinig namin.  Kung anu ang pag kakarinig sya ring sambit.

Bukod sa pag lalaro ng mga street games tulad ng patintero, syato, black 123, agawan base,agawan ng yaman, bahay bahayan(hubad-hubaran, yari-yarian), langit-lupa im-im-impyerno, at iba pang pinoy street games, karamihan sa mga kabataan noon  ay nahuhumaling sa mga video games na in-introduced ng mga malls sa mga batang katulad namin nuong 90’s. Ang sikat na sikat na laro nuon sa Bidyuhan pronounced as “videohan” (eto ang pinaka madalas na tawag sa arcade house/stations sa Pinas) eh ung Street Fighter 2..

Mag hulog ng token ( 3 pesos pa noon ), pindutin ang start button, mamili ng pambato mong character at makipag bugbugan ka sa mga kalaban hanggang sa matapos mo ang laro.. ayan ang game mechanics ng Street Fighter.. paulit-ulit man ang proseso kung papansinin, palong palo yang laro na yan sa panlasa ng mga kabataan noon at hanggang ngayon.

Marami akong kagaguhan na nagawa nang dahil lang sa pag lalaro ng Street Fighter. Nandyan yung mag cu-cut class, tiisin ang gutom, mangupit at higit sa lahat magpalibre sa kaibigan. Dumarating din sa punto na napapaaway din ako at ang aking tropa ng dahil lang sa pag lalaro nito. Iba-ibang dahilan; dinaya, hindi nag pa mercy round, nasiko habang naglalaro, na suntok  habang nag lalaro, kinikilan habang nag lalaro, at ang matindi dinuraan habang nag lalaro. Hindi pa tapos ang paglalaro eh, para kaming mga characters ng laro na nag ro-royal rumble sa harap ng acrade.

Matagal din ako tumigil sa pag lalaro ng arcade simula nung nakastigo ako ng aking mga magulang dahil sa pag kagumon ko sa nasabing laro.  Mga ilang taon din akong nanunuod lang sa mga nag lalaro ng Street Fighter. Maraming bersyon ng laro ang lumabas.. Champion Edition (yung may haduk-hadouken), Super Street Fighter II : New Challengers(bagong labas si Dee Jay, Cammy, T-Hawk at Fei-Long), Super Street Fighter II Turbo : New Challenger (bagong labas si Akuma dito nuon.) hanggang sa mag iba ang game engine ng konti at napunta sa Street Fighter Zero 1-3, Street Fighter EX 1-3, Street Fighter III: Third Impact at eto na nga ang huli Street Fighter IV.

Sa bawat laro nandun parin ang mga lumang techniques at combo na madalas na ginagawa.. kung dati eh hindi mo pwedeng dugtungan ang mga combo ngayon eh pwede mo na pakainin nang sangkaterbang moves ang mga kalaban mo hanggang sa maubos ang life meter at manalo ka.

Pag daan ng panahon lalong humirap ang pag lalaro ng SF sa kadahilanang maraming gustong sumubok ng iyong kakayanan at ipahiya ka sa madlang nanunuod sa harap ng wide screen SUPER MEGALO.. kinakailangan ng diskarte,  trash talking, at maraming oras na pag lalaro para lang maperpekto ang pamatay mong mga combo.

Sa tinagal tagal ko na nag lalaro dumating din sa punto na tinanung ko ang aking sarili kung worthed nga ba ang mag tapon ng pera sa larong ito. Mag kahalong mga sagot ang pumasok sa isip ko; Una: hindi na sya worthed kasi marami nang oras ang nasasayang na pwede naman ilaan sa mas makabuluhang bagay. Pangalawa: Oo, worthed pa sya laruin dahil dun ko lang nadarama ung kakaibang thrill na makipag basagan ng mukha sa kapwa mo katunggali. Pero nangibabaw pa rin ang ang unang sagot, sa panahon ngaun kailangan mag tipid at gumawa ng bagay na kapakipakinabang sa oras na sinasayang ko.

Pag nagagawi ako sa mga Bidyuhan nag lalaro pa rin ako pero di na katulad ng dati. maka gastos lang ako ng sapat at di masakit sa bulsa ay sakto na ako.. ang mahalaga eh yung masayahan ako sa pag lalaro..

kaya sa susunod na makita ninyo man ako na nag lalaro ng arcade game sa mga mall wag kayo mahiya na tumabi sakin, mag hulog ng token at kalabanin ako. makakatikim lang naman kayo ng Anic FOO!!

Advertisements