I’ve decided to pick red in times of doubt, because it is much stronger and it takes a lot of oxygen to smoke one.

What a day it is. I won’t go over the details but this is one of the most roller coaster day I had.

I was really feeling happy earlier this day because I know I will be productive but things went south later and I opted to pick red.

Why I pick red?

This is not an advertisement for a cigarette brand but for most of the time when I’m stressed or want an easy fix for my raging blood I usually go for red. The taste is strong. Mapait. makes me forget the roller coaster feeling that I’m riding while smoking. It ease the demons in my head.

This gonna be a long smoke I said to myself. Enough time to calm my nerves and think straight.

All my life, I’ve been so Ill tempered. My closest friends knows this fact very well and some of my ex-office mates too (I guess). I easily lose temper and go berserk, and nothing good follows after that.

Habang tumatanda ka natututo ka na mag timpi ng husto. Nasa dulo ka na ng pisi mo, pilit ka pa din bumabalanse kahit mukhang wala nang pagasa bumalanse ang mga bagay bagay sa paligid mo. Pilit mo tinatago yung pinaka mabaho mong ugali na lumabas kahit na puputok na ang batok mo, nag tutunugan na ang mga buto sa daliri at gusto mong ibuga ang usok galing sa nag babaga mong damdamin gamit ang salita o paliparin sa hangin ang nag ngangalit mong kamao.  

Kaso hindi ganon eh. Isipin mo na lang ang mga bagay at pangyayari na susunod pagkatapos mo magpakawala ng apoy. May masusunog. kung hindi sila, IKAW. 

Ang ending, ikaw ang talo, nakaganti ka nga, kinain ka naman ng poot at mahuhusgahan ka ng kapwa mo o ng langit mismo.

I continued hitting the first stick until it runs out and flip it towards the cigarette bin. I decided to get one again because the demons in my head are still acting up. I need to further suppress them. I reach in the pocket of my polo and quickly light it up and further think about what is happening.

Naalala ko yung dati na mga pangyayari sa buhay ko. Umabot ako sa kalagayan ko na ito matapos ang lahat. Mabuti na din na nakapagpigil ako sa mga bagay na umirita sa akin ng todo. Yun nga lang Dumami na ang puti kong buhok, dala ng maraming pinigil na emosyon, kunsumisyon at gigil.

Huli akong nagpalabas ng mga demonyo sa katawan ko ay napakatagal na panahon na. Noong nahimasmasan ako, nakita ko ang delubyo na sinapit ng bawat madaanan ko. Wasak na tindahan ng miryenda ng aming kapitbahay, nagkalat na baso ng halo halo, natapon na mga lumpia at nadurog na mga chicharon na nakakalat sa sahig. Natamo ko sa tagpong iyon ay mga duguang mga kamao, nabinging kanang tenga na inabot ng tatlong buwan bago gumaling at wasak na BLACK SABER na tamiya 4WD na laruan. Nanlumo ako sa ginawa ko, habang tinitignan ko ang itsura nung pinagbuhusan ko ng galit, hindi ko maiwasan na maawa sa kanya at matakot din sa sarili ko.

Ganun pala ako, hindi ako maawat kahit dalawang kaibigan ko na mas malaki sa akin ang umaawat sa akin. Pula lang ang nakikita ko, wala ako naririnig, wala ako nararamdaman, kahit na ilang beses na ako tinamaan sa mukha at iba’t ibang parte ng katawan, wala ako nararamdaman, tanggi ko lang nakikita ay pula. 

The second stick didn’t last long. After that I decided to go back to the office. Not that calm but I can manage. Thanks to that two red stick. Many past memories began to play like a film while I’m on the elevator going up. But those memories are painted with a different shade of colors and that’s for another story for me to tell and share in the future.

Salamat sa kulay pula naalala ko na mas maraming bagay na positibo na maari pang mangyari sa hinaharap. Kung kainin man ako muli ng poot sa mga susunod na panahon, maisip ko din sana na sa bawat masamang bagay na aking magagawa, pulang karma ang naghahantay.